Bride sa Kuwait nakipag-divorce sa kanyang asawa, 3 minuto matapos ang kanilang kasal

Binansagan na fastest divorce case ang kasal ng isang magkasintahan sa Kuwait.

Paano naman kasi makalipas lang ang tatlong minuto ng kanilang kasal ay agad na nakipaghiwalay ang babae.

Ayon sa kuwento, palabas na ng pinto ng venue ang mag-asawa ng matapilok ang bride at narinig umano ng babae na tinawag siyang “stupid” ng lalaki.

Nag-init ang ulo ng bride at bumalik agad sa loob ng courthouse tyaka hiniling sa judge na ipawalang-bisa ang kanilang kasal, Pumayag ang judge at nag-isyu agad ng divorce.