China, pinuna ang pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal

Umalma ang Chinese Foreign ministry sa pananatili ng BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Giit ng China hindi otorisado ang pananatili ng barko ng Pilipinas at paglabag umano ito sa declaration on the conduct of parties in the South China Sea.

Dumaan na umano sila sa diplomatic channel para itigil na ng Pilipinas ang panghihimasok sa kanilang teritoryo at paalisin ang mga barko roon.

Babala ng China na hindi sila magdadalawang isip na gumamit ng pwersa para protektahan ang kanilang territorial sovereign rights.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon naman kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Comm. Jay Tarriela, nasa exclusive economic zone ng Pilipinas ang Escoda shoal alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at  2016 arbitral award kaya may karapatan aniya ang mga barko ng PCG na manatili roon gaano man katalagal nilang gusto.