Inihayag ng Department of Health na gumanda na ang kumpiyansa ng mga Pilipino sa seguridad ng bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsagawa ang DOH ng survey mula March 19 hanggang 30, kung saan 75 percent ng mga respondents ang nagsabing handa silang magpabakuna laban sa COVID-19, kung ang bakuna ay available para sa kanila.
Samantala, 85 percent naman ng respondents ang nagsabing handa sila magpabakuna sa kondisyong, sigurado sila na ang bakuna ay ligtas at epektibo.
Giit ni Vergeire, ang pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna ay hindi dahil sa arrivals ng mga produkto mula sa ibang brands, dahil ang survey ay ginawa noong Marso.
Para sa DOH, ang pagtaas talaga ng kumpyansa ng mga kababayan ay noong nakita nila na marami nang nababakunahan lalong lalo na at nakita nilang maayos naman umano ang proseso ng gobyerno. // MHEL PACIA
