DOH, umaasa sa mas mabilis na release ng HEA sa tulong ng sub-allotment release order

Nakatanggap ang Department of Health (DOH) ng sub-allotment release order para sa natitirang P27.4 billion health emergency allowance (HEA) para sa mga healthcare workers na nagsilbi noong kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang naturang release order ay makatutulong para mabigyang-daan ang mas mabilis na pag-release ng natitirang allowance.

Dagdag pa ni Herbosa, ibig sabihin lang nito ay may budget na.

Dahil dito, palagay umano ng kalihim na matatanggap n ng mga region at healthcare workers ang allowance.

Ito na ang huling batch ng HEA na hinihintay ng mga health workers.

Mababatid na noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Department of Budget and Management ang release ng HEA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *