Sen. Hontiveros, hinamon si Guo na magpakita bukas sa Senado para linisin ang kanyang pangalan

Idiniin ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na obligasyon ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at maging ng kanyang mga abugado na respetuhin ang batas ng Pilipinas.

Anya, malinaw naman ang jurisprudence ng Korte Suprema na pupwede lang magamit ang ‘invocation of the right againsts self-incrimination’ kung nagkakaroon ng pagtatanong.

Alinsunod nito, ipinunto niyang hindi maari itong gawing dahilan para sa hindi pagdalo ni Guo sa gagawin nilang pagdinig bukas dahil gasgas na umano itong palusot upang makaiwas sa imbestigasyon.

Dagdag pa niya, kung tunay na gusto nitong malinis ang kanyang pangalan ay magpakita siya pagdinig at sumagot ng maayos at tigilan na ang pagsisinungaling.

Maalala, ayon sa legal counsel ni Guo na si Atty. David, hindi na raw kayang dumalo ng kanyang kliyente dahil sa na-trauma na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *