Nakolektang penalties ng LTO, umabot na ng halos P1B

Umabot na sa halos P1B ang nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) mula sa mga penalties ng mga pasaway na motorista sa kalsada.

Ito ay mula sa unang anim ng buwan ng taon.

Batay sa datos ng LTO, kabuoang 330, 0730 na mga motorista ang kanila nahuli simula noong Enero hanggang June 30.

Ayon kay Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza, ang nakolektang halagang ito resulta ng hard work ng mga law enforcers at iba pa nilang tauhan.

Bunga rin aniya ito ng pinagtibay na kampanya kontra sa mga traffic violators, at alinsunod na rin sa direktiba ni DOTR Sec. Jaime Bautista.

Umaasa ang LTO na mas tataas ang revenue collection nito sa sandaling intindihin na rin ng ibang motorista ang kanilang mga penalty at multa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *