Kasalukuyang nagsasagawa ang Department of Health (DOH) ng “active contact tracing” para matukoy ang iba pang posibleng kaso ng Lambda coronavirus variant sa bansa, maging ang source nito.
Una nang sinabi ng DOH na ang kauna-unahang kaso ng Lambda variant ay isang 35-anyos na babae na kalauna’y nadiskubre na ang pasyente ay buntis sa panahon na nahawa ito at residente ng Valladolid, Negros Occidental, habang wala ring travel history.
Hindi naman isinasantabi ng ahensya na may posibilidad na may iba pang kaso ng Lambda sa bansa, lalo’t kung nakisalamuha ang pasyente sa ibang tao.
Samantala, kinumpirma naman ni Health undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, na ang parehong first Lambda case at ang kanyang sanggol ay maayos na ngayon,at wala na ring sintomas. // MHEL PACIA-TRINIDAD
