Naipamahagi na ng gobyerno ang aabot sa mahigit P4.5 billion na ayuda sa buong National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng enchanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, pumalo na sa 4.5 billion na low-income individuals ang nakinabang sa nasabing ayuda at inaasahang patuloy na tataas pa ang bilang sa mga susunod na araw.
Nasa mahigit 40 porsyento ng P11.2 billion na ayuda ang naibigay na sa mga benepisyaryo.
Para naman matiyak na transparent ang pamamahagi ng ayuda, nakapaskil ang pangalan ng mga benepisyaryo sa social media pages ng mga LGU’s pati na rin sa tanggapan ng mga barangay.
Samantala, mayroon naman na hanggang August 25 ang mga LGU sa Metro Manila para tapusin ang pamamahagi ng ayuda. // MHEL PACIA-TRINIDAD
