Ibinunyag ng Philippine Red Cross na umaabot pa sa P550-M ang utang sa kanila ng Philhealth.
Ayon kay Red Cross chairman Richard Gordon, una nang naibaba ng health insurer ang kanilang utang sa P400 million, pero ngayon umano ay bumalik na naman ito sa P550 million.
Una nang sinabi ng mga private hospitals na may utang rin sa kanila ang embattled state-insurer na P20 billion na COVID-19 claims.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Gordon na dapat maayos ang computer system ng Philhealth, dahil ang ginagawa umano nila ay mano-mano na siyang nagpapabagal sa proseso na nagiging dahilan rin umano ng maraming corruption.
Matatandaan na noong nakaraang taon, pansamantalang itinigil ng Philippine Red Cross ang kanilang testing operations ng ilang araw, matapos na bigong magbayad ang PhilHealth ng kanilang P1-billion na utang. // MHEL PACIA-TRINIDAD
