Pinabulaanan ng Department of Health ang kumakalat sa social media na umano’y nakapasok na ang Nipah virus sa bansa.
Ito ay kasabay ng nangyaring paghihigpit sa health protocol sa ilang bahagi ng Cagayan de Oro dahil sa pagtaas ng kaso ng mga nagkakaroon ng trangkaso sa naturang lugar.
Naunang sinabi ng DOH na hindi pa malinaw kung anong virus ang dapat sisihin.
Ipinaliwanag din ng ahensya ang mga senyales at sintomas ng Nipah Virus na kahalintulad sa iba pang viral infections.
Kabilang sa mga sinyales ng virus ay lagnat, pananakit ng ulo, muscle pain, pagsusuka, sore throat at maaari rin itong magresulta ng encephalitis o pamamaga ng utak na maaaring ikamatay.