Pilipinas, magsasampa ng kaso laban sa agresibong galaw ng China

Masusing pinag aaralan ng Pilipinas ang pagsasampa ng kaso laban sa China sa international court of arbitration dahil sa pangha-harass, paninira ng mga bahura at paglalagay ng mga floating barriers sa Panatag Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, isa sa mga opsiyon ng gobyerno ang pagsasampa ng kaso dahil sa mga agresibong galaw ng China.

Pinag-aaralan na ng mga abugado ng gobyerno ang usapin dahil sa sunod-sunod na mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Sinabi din ni Bersamin na kung sakali man na hindi irespeto at kilalanin ng China ang reklamo, malalaman at makikita ng buong mundo na determinado ang Pilipinas na mapanagot ang bansa sa mga naging aksiyon nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *