DOH – tiniyak ang kahandaan sakaling dumami pa ang COVID-19 cases sa bansa

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na bagamat hindi pa cause of concern ang binabantayan ngayong FLiRT variant ng COVID-19, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat.

Ito ay matapos makapagtala ng bahagyang pagtaas sa bilang ng tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas.

Read More:  VP Sara calls for better intelligence after Tacloban school shooting

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOH Asec. Albert Domingo, sinabi nitong makatutulong pa rin ang mga nakuhang bakuna upang makaiwas sa COVID-19.

Read More:  TDC: education should be prioritized over lowering age of criminal liability

Samatala, sinabi naman ni Domingo na hindi pa nila nakikita ang FLiRT variant sa kanilang pinakahuling sequencing.

Sa ngayon, hindi pa raw nila matatawag na isang ‘spike’ ang bahagyang pagtaas sa bilang ng tinatamaan ng sakit.