Access sa medical cannabis – lusot na sa 2nd reading sa Kamara

Naniniwala si House Committee on Dangerous Drugs Chairperson at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na malaking kawalan para sa bansa ang pagkakataong makapagsalba ng buhay gamit ang “medical marijuana”.

Ayon kay Barbers, napatunayan na sa research mula sa ibang mga bansa na may advanced technology at state-of-the-art research capacities ang benepisyo ng pagpapagaling na dulot ng medical cannabis.

Hanggang sa kasalukuyan aniya ay patuloy na umaasa ang mga pasyenteng dumaranas ng mga nakapanghihinang karamdaman at lumalaban para lang makinabang sa magandang epekto ng medical marijuana na pakikinggan ng gobyerno ang kanilang hinaing.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Paliwanag ng kongresista, kabilang sa mga sakit na natutugunan ng medical cannabis ang epilepsy, multiple sclerosis, post-traumatic stress disorder, anxiety, sleep disorders, migraine at iba pang uri ng “chronic pain”.

Kahapon ay naipasa na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 10439 na nagkakaloob ng access sa medical cannabis paraa sa medical purposes.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Para ito sa mga pasyenteng kwalipikado at ang access ay sa pamamagitan lamang ng prescription at nasa ilalim ng pangangasiwa ng accredited medical cannabis physician.

Nakapaloob sa panukala na bubuo ng regulatory framework para sa cultivation, manufacturing, distribution para sa medical at research purposes, prescribing at dispensing ng medical cannabis sa mga pasyente.

Bukod dito, magtatatag ng regulatory body na tatawaging Medical Cannabis Office na tututok sa implementasyon sakaling maisabatas at mapapasailalim sa kontrol ng Department of Health.