DOH – naniniwalang ‘di pa dapat ikabahala ang muling pagtaas ng mga COVID-19 cases at ang bagong variant nito

Hindi magrerekomenda ang Department of Health o DOH na magpatupad ng border control, pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng facemask at muling pagbababakuna sa kabila ng pagtaas ng COVID cases sa Singapore.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang FliRT variant na naitala sa Singapore ay itinuturing pa lamang na variant under monitoring at hindi variant of concern.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Sa ngayon minomonitor na rin ng DOH sa sitwasyon ng COVID cases sa bansa, at inatasan ang mga hospital na i-report sa kanila ang bilang ng mga nagpapa-
antigen testing.

Read More:  Bong Go leads 2028 vice presidential preference survey with 31%

Gayunpaman, inirerekomenda ng DOH na sundin ang personal minimum public health standard.

Kasama dito ang pananatili sa bahay kung may ubo at sore throat, at kung kinakailangang lumabas, mainam na magsuot ng facemask.