Mayor Guo – handa umanong sumailalim sa lie detector test

Muling binigyang-diin ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanyang naging ambush interview sa media na hindi siya isang Chinese spy at tunay siyang mamamayang Pilipino.

Ito ay matapos ang naging pagkwestyon sa kanya ng Senado tungkol sa kanyang nationality.

Sa naging pagdinig, hiniling din sa kanya ng mga senador na magsalita siya ng Kapampangan at maging Fukien o Hokkien na isa namang Chinese language.

Samantala, sa gitna ng mga alegasyon at pagdududa sa kanya ay tiniyak niyang handa naman siyang sumailalim sa lie detector test upang patunayang hindi siya nagsisinungaling.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Maliban pa roon, ipinunto rin niyang sa post na lang din ni Senadora Risa Hontiveros niya nalaman na criminal ang mga naging kasamahan niyang incorporators sa Baofu Land Incorporated.

LUXURY CARS

Itinanggi rin niGuo na pagmamay-ari niya ang mamahaling sports car na McLaren na nakita sa isang car show contest sa Concepcion, Tarlac.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Anya, ang kaibigan niyang car dealer ang may-ari nito at hindi siya.

Sa kaparehong pagkakataon ay nilinaw din niyang hindi na niya pagmamay-ari ang dating chopper na pagmamay-ari niya.

Kwento niya, naibenta na niya ito sa isang British company sa ilalim ng kontratang conditional deed of sale.

Pagpapaliwanag niya, ibinenta na niya ang kanyang chopper matapos hindi na matuloy ang kanyang planong air taxi business.