DOH nakiusap sa mga magulang na may mga anak na unvaccinated kontra Measles at rubella na dalhin pa rin sa health center kahit tapos na ang supplemental immunization activity

CAMARINES NORTE- Nakiusap ang Department of Health sa mga magulang na dalhin pa rin sa health center ang mga anak na hindi pa nababakunahan kontra Measles at rubella.

Ito ay kahit tapos na ang Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA 2023 nito lang nakalipas na linggo.

Ayon kay DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola importante ang bakuna sa mga bata para mayroon itong proteksyon sa mga nabanggit na sakit.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Aniya sa hirap ng buhay ngayon ay mas lalong mahirap kung mayroon pang magkakasakit sa pamilya.

Ngayong tapos na ang MR OPV SIA ay magiging bahagi na lang ng routine immunization ang bakuna kontra Measles, Rubella at Polio.

Batay sa datos ng ahensiya umaabot pa sa mahigit 16, 000 na mga bata sa buong lalawigan ang nananatiling “unvaccinated” o walang bakuna.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ang Polio, rubella at tigdas ay mga sakit na lubhang nakakahawa at nakakamatay para sa mga bata.

Walang gamot laban dito at bakuna lang ang tanging paraan para masiguro na ligtas ang bawat bata kontra sa mga nabnggit na sakit.

Noong 2019 maraming bata ang hindi nakakumpleto ng bakuna laban sa polio, rubella at tigdas.

Nang dahil naman sa Covid-19 pandemic noong 2020 ay naantala ang routine ng pagbabakuna.