52 anyos na lalaking may kasong Homicide sa bayan ng Capalonga, arestado

CAMARINES NORTE- Arestado ng kapulisan ng Capalonga MPS kasama ang operatiba ng Calauag MPS, Quezon PPO at PTT 1st District ang isang lalaking may kasong Homicide sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte.

Naaresto ang suspek dakong 6:30 ng gabi noong Hunyo 19, 2023 sa Brgy. Pinagbayanan, Calauag, Quezon.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ang suspek ay nabibilang sa Other Wanted Person sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kung saan kinilala sa alyas na “ALEX”, 52 anyos, binata, at residente ng Brgy Colong Colong, Tagkawayan, Quezon.

Binasahan ng operatiba ng Capalonga MPS ang suspek ng kanyang mga karapatan at ipinabatid ang aresto de mandamyento o warrant of arrest para sa kasong Homicide kung saan may kaakibat na rekomendasyon para sa pyansa na nagkakahalaga ng 24,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustudiya ng himpilan ng pulisya ng Capalonga para kaukulang disposisyon.