DOH, nakikipag-ugnayan na sa WHO hinggil sa bagong ‘Omicron XE’

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) hinggil sa XE, na posibleng bagong coronavirus variant na konektado sa mas nakakahawang transmissible Omicron.

Ayon sa DOH, nagpapatuloy pa ang obserbasyon at monitoring kung ang variant ay maika-categorize bilang sub-variant ng Omicron o bagong kung bagong variant na papangalanan ng WHO, sakaling magpakita ito ng ibang mga pagbabago sa characteristics.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sinabi ng WHO na ang XE recombinant ay mutant ng BA.1 at BA.2 sub-variants ng Omicron.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dagdag ng WHO, ang XE ay mananatili sa Omicron variant category, hanggang sa makita o mapaulat ang significant differences nito sa transmission at disease characteristics, kabilang na ang severity.

Samantala, patuloy naman ngayon ang monitoring ng DOH sa case trends sa tulong ng Philippine Genome Center. //MHEL PACIA-TRINIDAD