Ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na itaas ang minimum wage sa Metro Manila sa P1,007.
Ayon sa Department of Labor and Employment at RTWPB-National Capital Region (NCR) na ang petisyon ng TUCP ay hindi saklaw ng kanilang hurisdiksyon.
Matatandaan na noong March 14, naghain ang TUCP ng petisyon para sa daily wage increase na P470 sa NCR na idadagdag sa minimum wage na P537.
Paliwanag kasi ng grupo, na ang kasalukuyang minimum daily wage ay magbibigay lang sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya ng “nutritionally deficient survival meals.”

Dagdag pa nito na ang kasalukuyang monthly take-home pay na P12,843.48 ay masyadong mababa mula sa monthly wage na P16,625.00 poverty threshold para sa pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila. //MHEL PACIA-TRINIDAD