Nakasalalay sa World Health Organization ang desisyon kung gagawin na bang standard na tatlo ang primary doses ng bakuna laban sa Covid-19 – maliban pa sa booster shots.
Ito ang nilinaw ni DOST–Philippine Council for Health Research and Development, Executive Director – Dr. Jaime Montoya, kasabay ng patuloy pa ring pag-iral ng pandemya sa ating bansa.
Sa isang panayam, iginiit ni Montoya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas maraming dose para pataasin ang proteksyon laban sa nakahahawang virus.

Paliwanag nito, sa mga nakatatanda raw kasi at sa mga immunocompromised na indibidwal – maaari pa ring bumaba ang antibodies nito kahit na kumpleto ito ng vaccine dosage.
Dahil dito, kanila raw irerekumenda na magkaroon ng ika-apat na dose.