Patuloy na monimonitor ng Department of Health ang paglipana ng mga sakit sa mga lugar na labis na sinalanta ng bagyong Odette.
Ito ay kasunod ng mga report kung saan naitala ang pagkamatay bunsod ng dehydration dahil sa diarrhea.
Nabatid na umabot na sa 9 na indibidwal mula sa Dinagat Islands at Siargao ang namatay dahil sa nabanggit na sakit ayon kay Dr. Ernesto Pareja ng DOH-Caraga.
Aminado si Pareja na nahihirapan silang makontrol ang diarrhea dahil hanggang sa ngayon ay wala pang maayos na suplay ng tubig sa naturang mga lugar.
Sa datus ng DOH regional office halos 900 kaso na nang diarrhea ang kanilang naitatala habang may ilang respiratory infections din ang naiulat kung saan dalawa dito ay COVID-19.
