All out na kampanya sa ilegal na droga sa Bicol region, nakumpiska P355k halaga ng droga

LEGAZPI CITY – Walong tulak ng droga ang naaresto ng mga kapulisan bunga ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga nitong ika-6 ng Enero 2022.

Sa lungsod ng Legazpi, laglag sa buy-bust operation ng Legazpi CPS katuwang ang PDEA RO5 ang drug pusher na si Joey Marbella Adivino, 33 anyos, walang asawa.

Nasakote ito sa mismong tirahan nito sa P-2, Brgy San Joaquin ng nasabing lungsod.

Ang suspek ay dinampot matapos nitong pabilhan ng isang pakete ng droga ang poseur buyer kapalit ang Php 500.00.

Sa Naga City, hapon nang hulihin ng mga kawani ng Naga City Police Office ang 56 anyos na cellphone technician na si Joel Daniel y Vitalicio nang ito ay lantarang magbenta sa poseur buyer ng pinaghihinalaang “shabu” katumbas ang Php 500.00.

Ang palitan ng item at bayad para dito ay naganap sa Zone 4A, Nazareno St., Concepcion Pequena.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa Zone 2, P. Santos St.,Brgy. Sta Cruz, Naga City nasakote naman ang 25 anyos na call center agent dakong 9 ng gabi.

Kinilala itong si John Rey Bon y Dela residente ng Zone-1 Brgy.Peñafrancia,Naga City.

Sa isinagawang operasyon, dalawang selyadong pakete ng marijuana ang ibinenta nito sa poseur buyer ng PNP Bicol sa halagang Php 500.00. Sa Camarines Sur, di na nakapalag ang apat na tulak ng droga nang ito at mahuli sa akto na garapalang pagbebenta ng droga.

Dakong 8:20 ng gabi sa Z-2, Brgy San Roque, Calabanga nadakip ang mga suspek na sina Ivy Aguilar y Harochoc, 35 anyos, residente ng Brgy Sta Cruz-Ratay; Allan Exala y Tarala, 35 anyos; Benjie Moriño y Sacuesa, 36 anyos parehong tubong Brgy.

San Lucas; at si Danielle Marie Azuela y Bellega, 20 anyos, residente ng Z-2, San Roque.

Nakuha nang pinagsamang operatiba ng PDEA Camarines Sur PPO at Calabanga MPS ang humigit kumulang 50 gramo na pinaghihinalaang “shabu” na nagkakahalaga ng P340,000.00 mula sa mga ito.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa rito ang apat (4) pang pakete ng “shabu” na may timbang na 2 gramo at nagkakahalaga ng Php 13,000.00. Bukod dito nakumpiska rin sa mga suspek ang isang sling bag, cellphone, coin purse; tactical knife; scooter at iba pang drug paraphernalia.

Sa Catanduanes naman, kulungan ang kinasadlakan ng tinaguriang drug high value target na si Jasper Valencia y Socita a.k.a. Jas. Ito ay residente ng Brgy.

Sta. Elena, Virac. Dakong 8:45 ng gabi sa Sto. Cristo 2 Purok 3 San Isidro Village ng nabanggit ng munisipyo nang damputin ito ng pinagsamang operatiba ng Virac MPS kasama ang PIU at RPDEU5.

Nakuha sa pangangala nito ang isang pakete ng “shabu” na nagkakahalaga ng Php 500.00 at isang kalibre 38 rebolber na karagado ng 2 bala.

Ang mga naaresto na indibidwal ay nasa pangangalaga na ng himpilan ng PNP Bicol. Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.