DOH, naglabas ng bagong guidelines para sa pagtugon ng bansa sa mpox

Nag-isyu ng bagong guidelines ang pamahalaan para sa mpox.

Batay sa Department Memorandum No. 2024-0306 ng Department of Health (DOH), na nilagdaan ni Health Secretary Ted Herbosa – lahat ng mga indibidwal ay dapat sumunod sa standard minimum precautions upang maiwasan ang naturang sakit.

Ipinag-uutos ngayon ng DOH na:

  • Iwasan ang close, intimate, at skin-to-skin contact gaya ng sexual contact at yakapan;
  • Ugaliin ang madalas at tamang hand hygiene gamit ang alcohol;
  • Tiyaking ang mga bagay at lugar na suspected na nahawakan o nakontamina ng virus ay nalinis at na-disinfect nang maayos;
  • at iwasan ang contact sa mga hayop na posibleng may dala ng virus gaya na lamang ng mga hayop na nasa area kung saan may mpox.
Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season
Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Maliban dito, lahat naman ng mga healthcare workers ay dapat i-observe ang “high index of suspicion for mpox” sa pag-evaluate ng mga taong may rashes, mucosal lesions at iba pa.

Abiso ng ahensya na agad ipaalam sa DOH ang anumang suspect, probable, o confirmed mpox case sa loob ng 24 oras.