Ibinunyag ng PNP-Drug Enforcement Group na report na posibleng bumaha ang suplay ng iligal na droga habang papalapit ang eleksyon.
Ayon kay PDEG Director PBGen Eleazar Matta, mayroon silang intelligence reports na may mga magdadatingang shabu sa bansa.
Gagamitin umano ito para ibenta at pondohan ang ilang personalidad na tatakbo.
Sa pamamaraan naman ng pagpasok nito, sinabi ni Mata na may “innovation” sa strategy na gagawin sa pagpasok ng mga shabu.
Sa ngayon, may listahan na ang PDEG ng mga Local Chief Executives o mga Mayor na sangkot sa iligal na droga pero kanila itong bineberipika pa.
Samantala, sinabi rin ng opisyal na binabantayan din nila sa ngayon ang pagkalat ng “liquid shabu” na mas mahina ang tama at mas mura sa merkado.
Sa ngayon, nakipag ugnayan na ang PDEG sa intelligence community para mapigilan ang pagpasok ng shabu sa bansa.