Kinumpirma ng Department of Health na predominant na sa karamihan ng mga rehiyon sa bansa ang “stealth” Omicron o ang BA.2 sub-lineage ng nasabing variant.
Sinabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na base sa analysis ng Philippine Genome Center (PGC) ay mas karaniwan na ang BA.2 sa mga local cases sa bawat rehiyon.
Kaugnay nito ay makikita rin sa PGC analysis na ang orihinal na Omicron lineage na kung tawagin ang BA.1 ay na-detect na sa walong rehiyon at predominant sa Bicol at sa returning overseas Filipinos.
Gayunman, ipinunto ni Vergeire na base sa clinical presentation nito ay wala itong malaking pagkakaiba ang BA.1 at BA.2.
Inihayag naman ni Vergeire na sa ngayon ay na-detect na ang stealth Omicron o BA.2 sa humigit-kumulang 49 na bansa at 17 US states.
