Palasyo, tiniyak na bubusisiin nang mabuti ang vape bill

Tniyak ng Malacañang na sasailalim sa mahigpit na pagbusisi ang panukalang Vaporized Nicotine Products Regulation Act, o ang Vape, bago pagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung lalagdaan niya ito o hindi.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ang pagsisiguro ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, ay kasunod ng panawagan ng medical groups kay Duterte, na i-veto ang naturang panukalang batas.

Una nito, inilarawan ni Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians (PCP), ang panukala bilang deregulation sa e-cigarettes at heated tobacco products.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Ito umano ang sisira sa pangako ng pangulo na lalabanan ang addiction. //MHEL PACIA-TRINIDAD