Kinumpirma ng Department of Health na bumababa na ang bilang sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, araw-araw.
Sa kabila nito, sinabi ni Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangang i-assess ng DOH kung ito ay sumasalamin sa totoong pagbaba o kung ito ba ay apektado lang ng ibang dahilan.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Vergeire na ang pagbaba sa laboratory outputs ay labis na naapektuhan sa pag-gamit ng antigen tests.
Sa gitna nito, napansin naman ng DOH ang pagbaba ng mga hospital admissions, pero hindi umano ito dapat maging rason para maging kampante, dahil nananatiling mataas parin ang hospital utilization rates.

Mababatid na nakalipas na dalawang araw, nagtala ang Pilipinas nang hindi na aabot sa 10,000 na mga bagong kaso ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD