Ikinokonsidera ng gobyerno na payagan ang pagbubukas ng mas marami pang personal care sa ilalim ng Alert Level 4, upang mas maraming tao ang makabalik sa kanilang trabaho at mapalakas ang pandemic-stricken economy ng bansa.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, papayagan ang mga ito basta’t mayroon lang mga safety protocols na sinusunod.
Mababatid na ang National Capital Region (NCR) ay kasalukuyang nasa ilalim sa Alert Level 4 hanggang sa October 15, kung saan ang personal care services gaya ng mga barbershops, salons, at nail care service establishments ay pinapayagan lang mag-operate sa 20% indoor capacity, pero para lang sa mga fully vaccinated customers habang ang mga serbisyo naman na ginagawa sa labas ay nasa 30% venue capacity, bakunado man o hindi ang customer.
Sa indoor dining o dine-in services naman, pinapayagan ang 20% capacity para sa mga fully-vaccinated, habang ang al fresco dining ay 30% capacity.

Naidagdag naman ang fitness centers at gyms sa listahan ng mga negosyong pinayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 4 sa 20% capacity at four-meter distancing sa mga customers. //MHEL PACIA-TRINIDAD