DOH, humiling ng karagdagang P3.6B na pondo para sa SRA ng mga health workers

Humingi ng karagdagang pondo ang Department of Health (DOH) na P3.6 billion para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire, noon pang Abril nila hiniling ang naturang pondo sa Department of Budget and Management.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa ngayon, hinihintay pa nila ang tugon ng DBM.

Ginawa ni Vergeire ang pahayag matapos magbabala ang grupo ng mga health workers na magsasagawa ng mass resignation sa gitna ng apelang ilabas na ang kanilang benepisyo.

Binigyang diin nito na ang release ng mga benepisyo para sa mga healthcare workers ay kailangang sumailalim sa proseso.

Samantala, sinabi naman ng health official na nagdownload na sila ng P9-B sa mga regional offices at ospital noong June 30 para sa SRA. // MHEL PACIA-TRINIDAD