Isinagawa ng Institutional Development Section of NIA-MARIIS Division III ang tatlong araw na livelihood training para sa mga na miyembro ng Upper MMC Council of Irrigators Association sa Dagupan, Alicia, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasa 30 na magsasaka ang lumahok sa naturang pagsasanay na layuning mabigyan ng kakayahan ang mga ito sa iba pang pangkabuhayan maliban sa pagsasaka.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng NIA MARIIS Division III IDS sa pangunguna ni Marlon Pimentel at inaprubahan naman ni Division Manager Engr. Efren Robang.
Sa naturang aktibidad, ang mga magsasaka ay tinuruan sa paggawa ng smoked fish tulad ng tilapia, bangus, galunggong, paggawa ng detergent powder, fabric conditioner, dishwashing liquid at car shampoo at paggawa ng basahan.
Maliban sa paggawa ng mga produkto para sa kanilang mga negosyo ay nagkaroon din ng training sa repacking at labelling.