Pinasinayaan na ang nasa dalawampung unit ng modernong pampublikong sasakyan sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ito ay bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng kasalukuyang administrasyon sa bansa.
Ang mga unit ay sa ilalim ng pamunuan ng Sapang Palay Grotto Transport Service Cooperative na may rutang Grotto – Sapang Palay Via Tungko Mangga (San Jose Del Monte, Bulacan).
Ayon sa Land Transfortation Franchising and Regulatory Board, ang pagpapasinaya ng mga bagong units ay nagpapakita ng pakikiisa ng kooperatiba sa programa ng gobyerno para makapagbigay ng komportableng byahe sa mga mananakay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: City of San Jose del Monte PIO
