DOH Bicol nilinaw kung bakit magkaiba ang kanilang covid-19 report sa datus ng mga LGU

BICOL—Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) Bicol kung bakit mayroong pagkakaiba sa kanilang inlalabas na ulat sa COVID-19 kumpara sa datus ng mga lokal na gobyerno.

Ayon sa DOH Center for Health Development (DOH-CHD), nangyayari ito dahil mayroong ilang insidente ng recoveries o pagkasawi na hindi nairereport sa kanila ng LGU o kung hindi man ay huli na naiuulat.

Paglilinaw ng ahensya, galing sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ang kanilang daily updates at nakadepende ito sa bilang ng mga nagpositibo at specimen na sinuri mula sa mga COVID-19 laboratories.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasama rin dito ang bilang ng mga namatay at gumaling sa COVID-19 mula sa mga Provincial/City/Municipal/Hospital Epidemiology and Surveillance Unit (ESU).

Maliban dito, nagkakaroon din umano ng verification ang RESU sa mga datus na inirereport ng local ESUs kung kaya maaaring may mga naiulat sa local level na hindi na napasama sa RESU report alinsunod sa isinagawang validation.

Kaugnay nito ay nakipag-ugnayan na ang ahensya sa mga LGU upang maresolba ang kalituhan hinggil sa mga inilalabas na datus.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nanawagan din ang DOH sa mga lokal na pamahalaan na kung maaari ay agad na ireport sa kanila ang mga naitalang recoveries at deaths upang maging tugma ang mga report ukol sa COVID-19.

Patuloy din ang panawagan ng kooperasyon ng publiko at maging ng mga nasa pribadong sektor sa nagpapatuloy na laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod at pagpapatupad sa mga health protocol.### || SLM