CAMARINES NORTE- Sa ginawang pagsasanib pwersa ng mga kapulisan ng Basud MPS Jose Panganiban MPS at Capalonga MPS ay naaresto ang isang lalaki na pangatlo sa pinaka-tinutugis ng pulisya sa Bayan ng Capalonga nitong July 5, 2021 dakong alas 2:30 ng hapon sa Purok 1, Brgy. San Rafael, Jose Panganiban
Ang suspek ay kinilalang si Ariel Magdaraog y Tabo, 44 taong gulang isang magsasaka residente ng Purok 2, Brgy. Binatagan sa bayan ng Basud sa naturang lalawigan.
Inaresto si Magdaraog sa bisa ng Mandamiento De Aresto na ipinalabas ng RTC Branch 5 na may petsang January 1, 2021 ito ay para sa kaso ng dalawang ulit na panghahalay sa ilalim ng kasong Criminal na may mga numerong 20756 at 20757 habang wala namang rekomendadong piyansa sa naturang suspek.
Ayon naman sa imbestigasyon ng mga kapulisan nitong Hulyo 2020 lang naganap ang dalawang ulit na panggagahasa ng suspek sa isang 12 anyos na biktima
Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ito ng pulisya para kaharapin ang patong-patong na kaso laban sa kanya.
Pinuri naman ni PCOL Juluis Danao Guadamor ang isinagawang aksyong ito ng Basud MPS upang matuldukan ang kasalanang ginawa ng suspek.

