Umaabot palang sa dalawang milyon mula sa 109.48M na populasyon sa Pilipinas ang nakakatanggang ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines, halos tatlong buwan matapos simulan ng gobyerno ang vaccination program.
Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, malayo pa ito mula sa target ng pamahalaan na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng populasyon, bago matapos ang 2021.
Dagdag ni Vega, para kasi ma-hit ang target, 500,000 katao ang dapat mabakunahan araw-araw.
Tinukoy naman nito na ang kakulangan sa suplay ng bakuna ang nagpapabagal sa vaccination process.
Una nang humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. kaugnay sa delays ng delivery sa mga bakuna sa mga local government units. // MHEL PACIA-TRINIDAD