Hinimok ni Senator Franklin Drilon ang Department of the Interior and Local Government na magbigay ng incentives sa mga local government units (LGUs) o barangays na nakapagbakuna na ng mayorya sa kanilang mga residente.
Ginawa ni Drilon ang suwestiyon sa gitna ng mabagal na rollout sa immunization program ng gobyerno laban sa COVID-19, at sa pag-aalinlangan ng mga Pilipino na magpabakuna.
Sa kabila nito, batid naman umano ng senador na mahirap ngayon ipatupad ang ideyang pagbibigay ng insentibo, dahil sa mababang suplay ng bakuna.
Nabatid na simula noong Marso nang magsimula ang vaccination rollout, nasa 5% palang sa mahigit 8 million senior citizens ang nababakunahan.
Maliban dito, iminungkahi ni Drilon na para mapabilis ang rollout sa COVID-19 jabs, dapat payagan ng national government ang private firms at LGUs na mag-angkat ng kanilang sariling vaccine supplies nang hindi na kumukuha ng consent. // MHEL PACIA-TRINIDAD