Buo ang tiwala ng Department of Finance (DOF) na kayang mabakunahan ang lahat na mga Pilipino sa bansa hanggang Enero 2022.
Ito ang sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III kasunod sa inaasahang pagdating pa ng mas maraming bakuna sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Dominguez, nakakuha na ang gobyerno ng 194.89 million doses ng bakuna.
Kaya umano nitong mabakunahan ang nasa mahigit 100 milyong Pilipino.
Ang milyun-milyong suplay ay mula sa binili ng gobyerno, binili ng pribadong sector at mga donasyon.
Sa ngayon ay umaabot na sa 48.8 million doses ng COVID-19 vaccines ang nakuhang bakuna ng bansa hanggang kahapon ng Huwebes.
May aasahang pa umanong 50 million doses sa darating na buwan ng Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon.
Sapat na anya ito para makabakuna sa lahat na mga Pilipino.
Samantala sa pinakahuling datus, nasa 13.3 milyong mga Pilipino na ang fully vaccinated at nasa mahigit 18 milyon na ang nabakunahan ng first dose.