Malaking budget para sa DPWH sa 2022, lilikha ng mas maraming trabaho – Palasyo

Hindi dapat masamain ng publiko ang inilaang budget ng pamahalaan para sa build build build program ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.

Pangalawa ang economic services sectors sa may pinakamataas na inilaang budget na nagkakahalaga ng P1.474 trillion kung saan kabilang dito ang mga proyektong pang-imprastraktura ng DPWH.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, dalawang bagay ang pinaghahandaan ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Una ay ang patuloy na paglaban sa covid-19 at ang ikalawa ay ang pagbangon ng ekonomiya sa epekto ng pandemya.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ipinunto ni Roque na sa pamamagitan ng build build build program, maraming Pilipino ang mabibigyan ng trabaho o hanapbuhay.

Sa ganitong paraan aniya, hindi na masyadong aasa ang karamihan sa ayuda mula sa gobyerno. //MHEL PACIA-TRINIDAD