DND, umapela sa Amerika at mga ka-alyadong bansa na sumaklolo na sa gitna ng nagpapatuloy na bullying ng China

Idiin ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., ang kahalagahan ng suporta ng mga kaalayadong bansa sa pagtindig ng Pilipinas sa international Law.

Kaugnay nito, umapela si Teodoro sa US at iba pang like-minded nations na sumaklolo na sa gitna ng nagpapatuloy na bullying ng China sa West Philippine Sea.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Samantala, kinumpirma rin ni Teodoro na mayroon nang gumugulong na mga pag-uusap para palawakin pa ang mga interpretations ng umiiral na Mutual Defense Treaty (MDT).

Layunin daw nitong maging mas ‘dynamic’ ang usapan kasama ang Amerika nang sa gayon ay ‘di raw ito magamit ng China para sa sarili nilang layunin.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Maaalalang sa ilalim ng MDT – otomatikong sasaklolo ang Amerika sa Pilipinas sa oras na makaranas ito ng armed attack.