Long weekend is over.
Balik-Metro Manila na ang mga pasaherong nagbakasyon sa kani-kanilang probinsya.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange, patuloy ang pagdating ng mga bus at mga pasahero na galing probinsya simula pa kaninang umaga.
Kahapon, August 26, umabot sa mahigit 170,000 ang mga pasaherong bumuhos sa terminal matapos ang long weekend.
Sa ngayon, as of 11AM umabot na sa halos 70,000 ang foot traffic sa terminal.
Inaasahan naman na nasa mahigit 170k na mga pasahero mula sa probinsya ang dadating ngayon dito sa PITX.
Samantala, mahigit 1.3 milyong pasahero naman ang gumamit ng terminal nitong long weekend.
Una nang sinabi ng pamunuan na aabot sa isat kalahating milyong pasahero ang inaasahan nilang gagamit ng terminal mula August 19 hanggang ngayong araw.