Naniniwala si Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senador Raffy Tulfo na malinaw na nagpapakita ng ‘immigration crisis’ ang paggamit ng ilang Chinese nationals ng Philippine passport sa kanilang paglipad papasok o papalabas ng bansa.
Kasunod nito, maituturing umano itong seryosong threat sa national security ng bansa.
Anya, posible kaseng ginagamit lang ang istratehiyang ito bilang parte ng sleeper cells o espiya ng mga kaaway ng Pilipinas.
Kaugnay nito, umaasa ang senador na maiimbestigahan ito ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ng iba pang ahensya na may kinalaman dito.