DND, may nakahandang protocols sa paghingi ng tulong sa pribadong sektor at mga kaalyadong bansa para sa disaster response

May nakahandang mga protocols ang gobyernoupang makipag-ugnayan sa pribadong sektor at mga kaalyadong bansa para sa pagtugon sa kalamidad.

Ito’y matapos magkaaberya ang C-295 na eroplano ng Philippine Air Forcesa relief mission patungong Batanes.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon kay Teodoro, mas mainam na mga bansang kaalyado muna ang hingian ng tulong sa mga unang bahagi ng relief operations.

Aniya, sakaling gumanda na ang lagay ng panahon ay maaari nang makipag-ugnayan sa pribadong sektor para makagamit ng kanilang airlift services.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Kadalasan kasi ay hindi saklaw ng insurance ang pinsalang posibleng matamo ng aircraft ng private sector sa mga mapanganib na lugar.

Tiniyak naman ni Teodoro na hindi maaapektuhan ng relief operations ang kakayahan ng AFP na magsagawa ng external defense operations.