DMW, target na maiuwi ngayong linggo ang labi ng 3 Pinoy na namatay sa pagbaha sa UAE

Tina-target ng Department of Migrant Workers (DMW) na mapabalik ng bansa bago matapos ang linggo, ang mga labi ng mga Pilipinong namatay sa pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay DMW officer-in-charge Usec. Hans Leo Cacdac- patuloy pa rin nilang pino-proseso ang mga kinakailangang dokumento para ma-repatriate ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs).

Inaasahan umanong makababalik na ito ng bansa sa araw ng Biyernes.

Sa ngayon – tuluy-tuloy pa rin umano ang imbestigasyon nila nang magduda ang kaanak ng isa sa mga OFWs sa totoong sanhi ng pagkamatay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *