EJK – nananatiling problema sa bansa ayon sa US

Iniulat sa isang United States government report na nananatiling problema sa bansa ang extra-judicial killings (EJKs) noong 2023.

Sinabi rin sa 58-pahinang Country Reports on Human Rights Practices na isinusumite kada-taon ng US Department of State sa US Congress – na nakapagtala ang Pilipinas ng mga pagpatay na kaugnay sa pulitika, at ilan sa mga napatay ang mga mamamahayag.

Maliban dito, nakasaad din sa report na at walang naging pagbabago sa sitwasyon sa human rights sa bansa sakbila ng pagbaba ng bilang ng EJK noong nakaraang taon.

Batay sa datos mula sa isang non-governmental organization, binigyang-diin ng naturang department na nagkaroon ng 209 killings na related sa anti-drug operations mula January hanggang August 2023.

Sa huli, iginiit sa report na malaking problema pa rin sa bansa ang ‘impunity’ lalo na sa security forces, partukular na sa hanay ng mga pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *