Amerika – nag-file ng money laundering cases vs dating COMELEC chief Bautista

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang paghahain nbg US ng money laundering case laban sa dating namumuno sa ahensya na si Andy Bautista.

Ayon kay Garcia, kamakailan ay mayroong mga kinatawan ng US Department of Justice at US Department of Homeland Security na nagtungo sa bansa, at nais makausap ang ilang staff ng Comelec.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Dagdag pa niya, may hinihinging dagdag na dokumento ang mga US officials.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Sinasabi rin daw ng mga ito na nai-file na ang mismong kaso ni Bautista sa isang korte sa US.

Samantala, isasama umano ng ahensya ang paghahain ng kaso sa kanilang motion for reconsideration sa Supreme Court hinggil sa mosyon nito kaugnay ang Smartmatic.