DMW – kinumpirma ang ika-4 na Pilipinong nasugatan sa lindol sa Taiwan

Apat nang mga Pilipino ang nasugatan sa naganap na magnitude 7.5 na lindol sa Taiwan kamakalawa.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Usec. Hans Leo Cacdac, sinabi nitong mayroong isang bagong Pilipina ang nagtamo ng head injury dahil sa mga bumabagsak na debris.

Sa ngayon ay nasa ligtas na raw ang kalagayan nito, at ginagamot na ng mga doktor.

Bago ito, una nang sinabi ni Cacdac na nakalabas na ng ospital ang dalawa mula sa unang tatlong mga nasugatang mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *