PBBM, byaheng-Washington para dumalo sa meeting kasama ang US, Japan

Byaheng Washington DC si Pangulong Bongbong Marcos sa susunod na linggo, para dumalo sa trilateral meeting kasama sina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Sa pre departure briefing kaninang umaga sa MalacaƱang, sinabi ni DFA Acting Deputy Undersecretary Hans Mohaimin Siriban na maituturing na historic summit ang naka takdang pulong ng tatlong lider.

Layon ng kanilang pagpupulong na mas mapalalim pa ang bilateral ties ng Pilipinas sa Japan at US.

Nilinaw naman ni Siriban na walang pinatutungkulang bansa ang trilateral meeting, dahil ang pangunahing pag uusapan dito ay pagpapalalim sa ugnayan at pagpapalakas sa economic cooperation.

Inaasahan din maglalabas ang tatlong lider ng kanilang joint vision statement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *