Distrcit II TTMF para sa asymptomatic at mild COVID patients titigil na ng operasyon ngayong buwan

CAMARINES NORTE- Tigil operasyon na ngayong buwan ang Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF)  na pinagdadalhan ng mga asymptomatic at mild COVID- 19 patients mula sa mga bayan sa ikalawang Distrito ng Camarines Norte.

Ang TTMF para sa District II na matatagpuan sa Barangay Sto Domingo Vinzons ay hanggang sa katapusan na lang nitong Hunyo mag- ooperate dahil sa kakapusan ng pondo na nataon pa man din sa paglobo ng mga kaso ng COVID- 19 kung kailan kailangang- kailangan ang mga ganitong pasilidad.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Basud Mayor Adrian Davoco, ang Pangulo ng Inter Local Health Zone sa 2nd District, inihayag nito na kakailanganin umano ng P1. 5 milyon para makapag operate ang pasilidad hanggang Disyembre.

“Halos depleted na yung fund, inaantay na natin yung last na munisipyo na magka- counterpart, pag naka counterpart na yun hanggang dun lang po yung pondo,” ani Davoco.

Gayuman, posible umanong muli itong mag operate at tumanggap ng mga pasyente sa kalahatian ng Hulyo o sa Agosto kung makapagbibigay ng second wave ng kanilang counterpart ang mga munisipyo sa ikalawang Distrito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aminado naman si Davoco na hindi ito madali kahit pa pumayag ang mga Alkalde na magbigay ng ikalawang wave ng counterpart dahil dadaan pa ito sa kaukulang proseso.

Paliwanag ng Alkalde, hindi pwedeng gumalaw ang Inter Local Health Zone nang walang hawak na pera.

Isa sa pinakamalaking magbibigay dapat ng counterpart ay ang Daet, pero dahil sa mataas na kaso ng COVID- 19 dito ay hindi rin naman ito nakikinabang sa TTMF sa Vinzons.

Hindi kasi kayang i- accommodate ang mga nagpopositibo sa Daet dahil nasa mahigit kumulang dalawampu lang ang kayang tanggapin ng pasilidad.

Dahil dito may sariling TTMF ang Daet kung saan naman dinadala ang mga asymptomatic at mayroong mild symptoms kaya’t hindi na ito magbibigay ng counterpart sa TTMF ng District II Inter Local Health Zone.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Definitely with the problem of Daet,  parang napag uusapan nila na hindi na magbigay ng another counterpart, kasi nga yung counterpart nga ng Inter Local Health Zone this year napag uusapan pa nilang I re- align  kasi halos hindi rin naman nakikinabang yung Daet because of the many cases nila ,nagawa na sila ng kaniya- kaniyang TTMF and yung iba nga daw nasa isolation units na lang ng Barangay.”

Sa sandaling hindi na mag operate ang District II TTMF ay magkakaniya- kaniya na muna ang bawat munisipyo.

Gustuhin man daw kasing ipagpatuloy ang operasyon ay hindi na ito kaya ng pondo.

“Wala na po (option) kasi kung magpapatuloy po tayo uutang tayo tapos wala  man tayo pambayad, next year na po natin mababayaran yun pagdating nung mga counterparting so kawawa naman po yung mga taong magtatarabaho dun, tapos yung caterer para dun sa magpakakain.”