Huerter, Young, nanguna sa panalo ng Hawks kontra sa top seed Sixers sa Game 7

Naitakas ng fifth seeded Atlanta Hawks ang panalo kontra sa host at top-seeded Philadelphia 76ers sa kanilang Game 7 sa Eastern Conference semifinals sa score na 103-96.

Umiskor si Kevin Huerter ng playoff career-high 27 points, habang nagdagdag naman si Trae Young ng 21 points at 10 assists.

Nagtala naman si John Collins ng 14 points at 16 rebounds habang nakapagrehistro naman si Danilo Gallinari ng 17 points para sa Hawks.

Dahil diyan, ang Hawks na ang makakaharap ng Milwaukee Bucks sa Eastern Conference Finals.

Ito ang unang pagkakataon na makakapasok sa conference finals ang Hawks mula noong 2015.

Mababatid na nagwagi ang Hawks sa tatlong laro kontra Philadelphi sa naturang serye.

Samantala, si Joel Embiid naman ang nanguna sa Sixers sa kaniyang 31 points at 11 rebounds.