DILG, target ang susunod na COVID nat’l vax drive para sa mga senior citizens

Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na ang susunod na wave ng national COVID-19 immunization drive ay dedicated sa mga senior citizens.

Ayon kay Año, batay sa kanilang pulong kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III, magsasagawa ang gobyerno ng house-to-house vaccination para sa mga matatanda.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Paliwanag ng kalihim, ang sitwasyon sa Hong Kong, kung saan puno na ang kanilang mga ospital ng COVID-19 patients, na kinabibilangan ng mga matatanda, ang nag-udyok sa naturang response.

Sa ngayon, wala pang napiling petsa ang pamahalaan para sa susunod na national vaccination drive, pero sa gitna ng plano na ma-fully vaccinate ang 90 million Filipinos hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo nitong taon, ay ipa-prayuridad nila ang pagbabakuna sa mga senior citizens.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Sinabi naman ng Interior secretary, na halos 62 million Filipinos palang ang fully vaccinated laban sa COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD