Lahat ng rehiyon, low risk na para sa COVID, maliban sa CAR, Davao Region – DOH

Inanunsyo ng Department of Health na nasa low risk na para sa COVID-19 ang lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa Cordillera Administrative Region at Davao Region.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng rehiyon ay naiulat ang less than 1,000 new COVID-19 cases para sa linggo.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, ang Pilipinas naman ay kasalukuyang nasa low-risk case classification na may negative 1-week at 2-week growth rates at moderate risk average daily attack rate (ADAR).

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Dagdag ni Vergeire, nasa low risk narin ang national health systems capacity, maliban sa Region 11 na nasa moderate risk ang kanilang ICU utilization rate. //MHEL PACIA-TRINIDAD